Higher Education > Humanities
No Ratings Yet
ISBN: 9789715849968
Delivery: Metro Manila 3 to 5 days, Others 5 to 10 days Pandemic Delay in Delivery
Availability: In Stock
Author: Bernardo Sepeda
Publisher: C & E Publishing, Inc.
Edition: 1
Copyright: 2010
₱595.00
Ang aklat na ito ay isang pagpupugay sa isang makatao at makabayang Pilipino, si Jose "Ka Pepe" Wright Diokno. Inilalarawan dito ang isang ideolohikal na kasaysayan ng kanyang pagkatao at panlipunang pagpapakatao. Sa kabuuan, ang panlipunang pagpapakatao ni Ka Pepe ay nakasalig sa kanyang diwa ng pagkamakabayan at nakaugat sa isang konsepto ng tao na ang katuturan ay nakasalalay sa pagtataguyod at paggalang sa kanyang karapatang pantao bilang indibidwal at bilang bahagi ng sambayanan. Tinatalakay dito ang mga kaisipan ni Ka Pepe na bunga ng kanyang pagsusuri sa mga isyung pang-ekonomiya, pampulitika, at pangkultura batay sa pagtaguyod o paglabag sa karapatan ng mga Pilipino. Inilalahad din ang kanyang mga pakikisangkot at pakikibaka upang ipagtanggol ang ating mga karapatan; naninindigan siya na ito ay ating legal at moral na pananagutan. Ang aklat na ito ay isang masinop na tala ng pagtugon ni Ka Pepe sa hamon na pumanday ng isang dakilang bayan, isang bayan na hindi lang para sa ating mga anak kundi isang bayan ng ating mga anak.